Letter for Sacrifice (Filipino) by Fr. Sarez
Mahal Kong Mga Kapatid Kay Kristo,
Inaanyayahan ko kayong gawing higit na makabuluhan ang inyong Kuwaresma ngayong taon.
Sa pamamagitan ng maliliit na sakripisyo, makatutulong kayong mabigyan ng tahanan at mapawi ang gutom ng maraming mahihirap.
Bilang halimbawa, ang matitipid ninyong pera kung hindi iinom ng isang lata ng soft drink sa isang araw ay maaaring makabili ng 2 latang sardinas. Ang isang araw na pagpipigil ng paninigarilyo ay maaaring makapagbigay sa isang bata ng kanyang baon sa paaralan. Kung 40 katao ay ipagpapaliban ang pagkain ng fast-food meal sa isang araw, makabibili ang isang pamilya ng 1 square meter ng lupa para sa minimithi nilang tahanan. At kung 1000 tao ang magsasagawa nito ay makapagdudulot ito ng tahanan sa isang mag-anak.
Mahal kong mga kapatid, ang pagsasakripisyo ay ang pinakamagandang paraan upang maranasan ang tunay na kahulugan ng Kuwaresma at makibahagi sa paghihirap ni Kristo. Hindi mabibigat na sakripisyo,ang hinihiling kundi yaon lamang ninanais at abot ng inyong kakayanan upang sa gayon, kayo ay mabibigyan ng pagkakataong makiisa kay Kristo. Sa pamamagitan ng pakikibahagi sa Kanyang pagpapakasakit, mararanasan din natin ang kaligayahan ng Kanyang Pagkabuhay na muli kapag mamamasdan natin ang magagandang pagbabagong maihahandog natin sa ating mahihirap na kapatid.
Upang matulungan kayo sa inyong pagpaplano, ito ang isang halimbawa ng isang linggong sakripisyong maaari ninyong gawin:
|
Linggo |
Lunes |
Martes |
Miyerkules |
Huwebes |
Biyernes |
Sabado |
|
Di pag-Bingo =P10 |
Huwag mag softdrink=P6 |
Di paninigarilyo= P4 |
Huwag mag junk food=P2 |
Di pagtaya sa Lotto=P10 |
Di pagbili ng cell phone load = P20 |
Huwag mag-fast-food= P100 |
Maaari ninyong gamitin ang kalendaryo sa likod para itala ang mga sakripisyong inyong nais gawin. Sa katapusan ng 45 araw, ilagay ang inyong naipong halaga sa sobreng kalakip ng sulat na ito, at ihandog sa Banal na Misa sa Sta. Maria Della Strada Parish sa Huwebes Santo o sa Linggo ng Pagkabuhay. Puede rin ninyong ibigay ito sa Parish Office mula Huwebes Santo hanggang sa Linggo ng Pagkabuhay.*
Maraming salamat sa inyong mga sakripisyo. Hindi sukatan ang halaga ng salaping inyong nakalap; ang mahalaga’y kayo ay makapagbibigay ng tulong sa marami nating maralitang kapatid. Pagpalain nawa kayo ng Panginoon!
Fr. Manny Sarez
SMDS Parish Priest
*Ang inyong mga alay ay ibabahagi ng ating Parokya sa Pabahay ng Diocese Program para sa mga manggagawa ng Parokya/Diocese ng Cubao.
| Feb 22 | Feb 23 | Feb 24 | Feb 25 | Feb 26 |
| Feb 27 | Feb 28 | Feb 29 | Mar 1 | Mar 2 |
| Mar 3 | Mar 4 | Mar 5 | Mar 6 | Mar 7 |
| Mar 8 | Mar 9 | Mar 10 | Mar 11 | Mar 12 |
| Mar 13 | Mar 14 | Mar 15 | Mar 16 | Mar 17 |
| Mar 18 | Mar 19 | Mar 20 | Mar 21 | Mar 22 |
| Mar 23 | Mar 24 | Mar 25 | Mar 26 | Mar 27 |
| Mar 28 | Mar 29 | Mar 30 | Mar 31 | Apr 1 |
| Apr 2 | Apr 3 | Apr 4 | Apr 5 | Apr 6 |
“…Sa pag-aayuno…ito ang nais kong gawin ninyo. Ang mga api ay palayain at tulungan. Ang mga nagugutom ay inyong pakanin. Bigyan ng masisilungan ang ginigipit at walang tirahan. Yaong mga tao na walang damit ay inyong bihisan, Ang pagtulong sa kapwa ay huwag tatalikdan…At kung magkagayon, Ako ay laging sasainyo, ililigtas kayo at iingatan kahit saan man. Kapag kayo ay tumawag, Ako ay agad na tutugon.” – Isaiah 58: 6-7
Ano ang gagawin nyo ngayong Kuwaresma at Mahal na Araw?


Comments
Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!